Luzon grid isinailalim muli sa yellow alert

Muling itinaas ang yellow alert ngayong araw sa Luzon Grid.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nananatiling manipis ang reserba ng kuryente sa Luzon.

Mayroon lamang available capacity na 11,814 megawatts habang 10,865 megawatts ang peak demand.

Ang pag-iral ng yellow alert ay mula ala 1:00 ng hapon hanggang alas 4:00 ng hapon.

Pinayuhan ng NGCP ang publiko na maging matipid sa paggamit ng kuryente.

Read more...