2 mahistrado na kampi umano kay Duterte, maaring makasuhan-Osmeña

By Chona Yu December 10, 2015 - 12:15 AM

 

 

duterte justicesNagbabala si Senador Serge Osmeña na maaring makasuhan ang dalawang mahistrado ng Supreme Court na sina Jose Catral Mendoza at Bienvenido Reyes na sumama na sa kampo ni presidential aspirant at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon kay Osmeña, dapat na ‘neutral’ ang dalawang mahistrado lalo’t iaakyat sa Katas-taasang Hukuman ang mga disqualification cases ni Senador Grace Poe na mahigpit na katunggali ni Duterte sa 2016 presidential elections.

Paliwanag ni Osmeña, maaring makasuhan ng paglabag sa Code of Ethics ang dalawang mahistrado.

Iginiit pa ng senador na bilang mga mahistrado, hindi dapat nakikiaalam ang mga ito sa larangan ng pulitika.

Base sa naunang ulat ng Philippine Daily Inquirer, nagpahayag na umano ng pagsuporta ang dalawang mahistrado kay Duterte.

Kinumbinsi pa umano ng mga ito si presidential aspirant Roy Señeres na umurong na sa halalan para bigyang-daan ang kandidatura ni Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub