Mayor sa Camarines Sur, 3 iba pa nakaligtas sa pananambang

By Dona Dominguez-Cargullo May 06, 2019 - 11:35 AM

Nakaligtas sa pananambang ang kasalukuyang mayor sa bayan ng Garchitorena sa Camarines Sur at tatlong iba pa niyang kasamahan.

Pinagbabaril at pinasabugan pa ang sasakyan ni reelectionist Mayor Nelson Bueza.

Ayon kay Bueza, pauwi siya kasama ang kaniyang asawa, running mate niyang si Marcelo Aragadon at kanilang driver nang mapansin nila ang apat na lalaki na sakay ng motorsiklo na nag-overtake sa kanilang sasakyan.

Pagsapit sa Barangay Toytoy, hinagisan ng bomba ang sasakyan ng alkalde at pinagbabaril din sila.

Pero ayon kay Bueza, nagawa ng driver na i-arangkada ng mabilis ang sasakyan kaya hindi sila natamaan.

Nakuha sa crime scene ang aabot sa 95 basyo ng bala at bomba na hindi naman sumabog.

Ayon kay Camarines Sur police chief Col. Roderico Roy Jr., may component na ginagamit sa illegal fishing ang inihagis sa sasakyan ng alkalde.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: ambush, camarines sur, mayor nelson bueza, Radyo Inquirer, ambush, camarines sur, mayor nelson bueza, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.