Sa pagsisimula ng Ramadan Pangulong Duterte hinimok ang mga Muslim na ipanalangin ang kapayapaan at pag-uunawaan

Nagpahayag ng pakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Muslim kaugnay sa paggunita ng Ramadan o Feast of Sacrifice.

Ayon sa pangulo, magsilbi sanang paalala sa mga Muslim ang Ramadan bilang yugto sa sakripisyo, pagtitiyaga, pagsunod at pagpapakumbaba na nakasaad sa itinuturo ng banal na Quran.

Umaasa ang pangulo na ang Ramadan ay magsisilbi ring pagkakataon para makahingi ng kapatawaran sa mga kasalanan.

Dapat din aniyang gamitin ang panahon na ito sa pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap.

Hinimok din ng pangulo ang Muslim community na manalangin para sa kapayapaan at pag-uunawaan.

Ayon sa pangulo patuloy na pagsusumikapan ng kanyang administrasyon na mapag-isa at mapagbuklod ang mga Filipino sa kabila ng magkakaibang pinaniniwalaang tradisyon, paninindigang pulitikal at relihiyon.

Read more...