Dry run sa provincial bus ban sa EDSA sinuspinde ng MMDA

Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsasagawa ng dry run sa provincial bus ban sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, itinigil muna nila ang dry run na inumpisahan noong nakaraang linggo.

Ito ay habang hindi pa nakapagsasagawa ng pulong ang MMDA, Department of Transportation (DOTr) at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi ni Garcia na itutuloy na lamang ulit ang dry run kapag nakabuo na ng guidelines at implementing rules tungkol dito.

Mananatili namang epektibo ang istriktong pagpapatupad ng no loading and unloading sa EDSA para sa provincial buses.

Read more...