22 anyos na babae arestado sa Maynila; pag-aaring spa nag-aalok ng exrta service

By Dona Dominguez-Cargullo May 06, 2019 - 09:41 AM

Inaresto ng mga tauhan ng Regional Special Operations Unit (RSOU) ng NCRPO at ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 22 anyos na babae na nagpapatakbo ng isang spa sa Maynila na nag-aalok ng extra service.

Dinakip ang suspek na si Sheila May Genove, tubong-Quezon at may-ari ng Lavender Zen Spa sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon kay NCRPO Regional Director Police Maj/Gen. Guillermo Eleazar, nakatanggap sila ng impormasyon na nag-aalok ng extra service ang nasabing spa sa kanilang customer.

Dahil dito naglunsad sila ng surveillance at agad nagkasa ng operasyon nang mag-positibo ang ginawang validation.

Dalawang pulis ang nagpanggap na customer at positibong nagbayad kay Genove para sa extra service.

Nailigtas naman ang dalawang babae na edad 19 at 27 na umamin na P5,000 ang binabayad ng mga customer sa spa ni Genove para sa extra service, P1,000 dito ang ibinibigay sa kanila ng suspek.

Ang suspek ay nahaharap sa patung-patong na kaso kaugnay sa human trafficking.

TAGS: extra service, human trafficking, manila, spa, trafficking, extra service, human trafficking, manila, spa, trafficking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.