Mga taong nasa likod ng ‘Oust Duterte’ plot kakasuhan ng pamahalaan kapag gumawa na ng criminal over acts
Agad na pakikilusin ng Palasyo ng Malakanyang ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan para sampahan ng kaso ang mga taong nasa likod ng matrix na “Oust Duterte Plot” kapag gumawa na ng criminal overt acts.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ibang usapin na kasi kung may aksyon nang ginagawa ang mga kritiko para patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ngayon, wala pang nakikitang rason ang Palasyo para magka-interes si Pangulong Duterte sa naarestong si Rodel Jayme na may kinalaman sa pagpapakalat ng video ni Alyas Bikoy, ang witness umano at nagdawit sa pamilya ng punong ehekutibo sa operasyon ng ilegal na droga.
“Oh di ba sinabi ko na sa inyo. As of now, as we said, we will repeat: ‘they can do their worst, but we will do our best’. Except only if they pursue that and in the process, they will be performing criminal overt acts,” ani Panelo.
Ayon kay Panelo, hindi na kailangan na utusan pa ng pangulo ang nakaarestong team ng National Bureau of Investigation (NBI) kung ano ang gagawin kay Jayme dahil batid na nila ang kanilang tungkulin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.