WATCH: Flagship carrier ng Russia nagliyab at nag-emergency landing, 41 ang patay

By Dona Dominguez-Cargullo May 06, 2019 - 07:11 AM

Patay ang 41 katao makaraang magliyab ang isang Sukhoi Superjet 100 na galing ng Moscow.

Sa 78 sakay ng eroplano sinabi ng Investigative Committee ng Russia, 37 ang kupirmadong nakaligtas.

Ang Aeroflot flight SU 1492 ay patungo sa northern city ng Russia na Murmansk nang ito ay agad bumalik halos kalahating oras pa lamang ang nakalilipas makaraang mag-take off.

Sa kuha ng CCTV, makikitang tinatangka ng eroplano na lumapag, at nagliliyab ang bahagi ng makina nito.

73 ang pasahero ng eroplano at 5 ang crew.

May mga bata na kasama sa mga nasawi.

Ayon naman sa Russian Health Ministry, mayroon ding mga naitalang sugatan.

Ang Aeroflot ay flagship carrier ng Russia.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: aeroflot, plane crash, Russia, aeroflot, plane crash, Russia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.