Metro Manila at mga kalapit na lalawigan magdamag na inulan
Nakaranas ng pagbuhos ng ulan ang malaking bahagi ng Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan simula kagabi.
Simula alas 9:00 ng gabi ng Linggo, May 5, itinaas na ng PAGASA ang thunderstorm advisory sa Zambales, Rizal, Quezon at Bulacan, gayundin sa ilang bahagi ng Nueva Ecija.
Hanggang alas 3:00 ng madaling araw kanina, (May 6) at alas 5:11 ng umaga ay muling nagtaas ng thunderstorm advisory sa mga lalawigan sa Central Luzon at Southern Luzon.
Ayon sa PAGASA sa Bataan at Zambales ay umabot pa sa heavy hanggang intense na pag-ulan ang naranasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.