Ito ay sa gitna ng nakatakdang pagpapasara sa lahat ng provincial bus terminals sa EDSA sa susunod na buwan.
Ayon kay MMDA traffic czar Edison Nebrija, hindi tatanggalin ang common terminal sa Cubao.
Ang tinutukoy ng opisyal ay ang Araneta Center Bus Terminal.
Malaking tulong anya ito sa mga pasaherong may mga bagahe lalo na ang nagmumula sa mga lalawigan sa Bicol Region, Visayas at Mindanao.
Nais ipasara ng MMDA ang provincial bus terminals sa EDSA upang maluwag ang daloy ng trapiko rito.
Sinabi ni Nebrija na imumungkahi na rin ng ahensya sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paghalili ng point-to-point (P2P) buses sa mga provincial buses.
Ang mga bus na ito ang gagamitin ng mga pasahero na nais bumaba sa Cubao terminal o hindi kaya ay sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Samantala, ang planong pagpapasara sa provincial bus terminals sa EDSA ay umani ng batikos at ipinetisyon ng Ako Bicol party-list sa Korte Suprema na pigilan ito.