TUCP maghahain ng wage hike petitions sa tatlong rehiyon
Nakatakdang maghain ngayong linggo ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng tatlong petisyon para sa umento sa sahod sa Central Luzon, Central Visayas at Calabarzon.
Ito ang inanunsyo mismo ni TUCP vice president Louie Corral sa ‘Balitaan sa Maynila’ forum araw ng Linggo.
Ani Corral, nais nilang dagdagan ng P386 ang minimum wage sa Central Visayas para matakda sa P798.
Sa ngayon ay pinag-aaralan pa kung magkano ang dapat na umento sa sahod sa Central Luzon at CALABARZON.
Nilinaw naman ni Corral na ang petisyon para sa wage hike ay hindi pamumulitika lalo’t paparating ang eleksyon.
Nagkataon lamang anya na election year ngayong 2019 at taun-taon naman anya silang naghahain ng petisyon para sa umento sa sahod.
“Some are saying that we are just playing politics because of the elections. You know, TUCP files a petition every year. It just so happens that this is an election year,”
Nauna nang naghain ang labor group ng petisyong layong dagdagan ng P710 ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.