Cloud seeding isasagawa sa Angat Dam ngayong araw

By Rhommel Balasbas May 06, 2019 - 03:06 AM

Ngayong araw ng Lunes (May 6) na magsisimula ang cloud-seeding operations sa Angat Dam upang madagdagan ang lebel ng tubig nito sa gitna ng umiiral na El Niño.

Nauna nang sinabi ni National Water Resources Board (NWRB) executive director Sevillo David Jr. na ngayon ang tamang panahon dahil nakadepende ang operasyon kung may seedable clouds.

Bago pa umabot sa critical level ang tubig sa Angat Dam ay iminungkahi na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at NWRB ang pagsasagawa ng cloud seeding.

Gayunman ay hindi maayos ang kalidad ng mga ulap para sa cloud seeding noong mga nagdaang linggo.

Samantala, suspendido na ang alokasyon ng Angat Dam para sa irigasyon sa Huwebes, May 16 upang matipid ang tubig mula sa reservoir.

Hindi naman umano lubos itong makakaapekto sa mga pananim dahil malapit na ang panahon ng anihan.

Tiniyak naman ni David na walang water shortage na magaganap sa Metro Manila dahil tuloy ang alokasyon sa mga residente.

TAGS: Angat Dam, cloud seeding operations, National Water Resources Board (NWRB) executive director Sevillo David Jr., water shortage, Angat Dam, cloud seeding operations, National Water Resources Board (NWRB) executive director Sevillo David Jr., water shortage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.