Kampanya ng mga kandidato inaasahang mas iigting ngayong linggo

By Rhommel Balasbas May 06, 2019 - 02:03 AM

Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na mas darami ang motorcades at political rallies ng mga kandidato dahil ngayon na ang huling linggo ng kampanya para sa May 13 midterm elections.

Sa isang panayam, sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na marami ang may miting de avance ngayong linggo para sa kanilang campaign finale.

Magtatapos na ang campaign period para sa national at local candidates sa Sabado, May 11.

Dahil dito, nanawagan si Jimenez sa mga lokal na pamahalaan na siguruhin na masusunod ang mga alituntunin sa mga kampanya.

“We are gently reminding our colleagues in the LGUs to make sure that their procedures are all in place,” ani Jimenez.

Ipinaalala ng opisyal na ang paglalagay ng tarpaulins at streamers para sa miting de avance ay hindi dapat tatagal ng 24 oras bago at matapos ang event.

TAGS: Commission on Elections (Comelec), May 2019 midterm elections, Commission on Elections (Comelec), May 2019 midterm elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.