Paggunita sa Ramadan ng mga Muslim simula na ngayong araw

By Rhommel Balasbas May 06, 2019 - 03:56 AM

Ngayong Lunes, May 6 ay simula na ng banal na buwan ng Ramadan ng mga Muslim ayon sa deklarasyon ng Bangsamoro Darul Ifta.

Sa isang pahayag sinabi ni National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Saidamen Pangarungan na simula madaling araw ngayong Lunes ay dapat nang mag-ayuno ang mga Muslim.

Inanunsyo rin ng Saudi Arabia ang pagsisimula ng fasting ngayong araw dahil ang Linggo umano ay ang huling araw ng Shabaan sa ilalim ng Hijri calendar.

Ang Ramadan ay bahagi ng 5 pillars of Islam at nailalapit ng panahong ito ang mga Muslim kay Allah.

Sa loob ng isang buwan ay iniiwasan ang pagkain at pag-inom ng tubig mula pagsikat at paglubog ng araw

Iniiwasan din ang mga makamundong gawain tulad ng sexual activities at mga bisyo.

Dapat ding may supplementary prayers ang mga Muslim bukod pa sa arawang limang beses na pagdarasal.

Magtatapos ang Ramadan sa Eid ul-Fitr o Hari Raya Puasa.

TAGS: 5 pillars of Islam, Bangsamoro Darul Ifta, Islam, National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), ramadan, 5 pillars of Islam, Bangsamoro Darul Ifta, Islam, National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), ramadan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.