WATCH: Iñigo Pascual may bagong MV kasama ang YouTube star na si Wengie

Pinasok na rin ni Iñigo Pascual ang international music scene.

Ito ay matapos ilabas ang music videos ng “Mr. Nice Guy” kung saan tampok ang singer-actor kasama ang Chinese-Australian YouTube star na si Wengie.

Ang naturang single ay may Taglish at English Versions at pormal nang inilabas nitong weekend.

Pinakita ng duo sa MV ang husay sa pagsayaw at pag-awit.

Ang English Version ng MV na inupload sa music channel ni Wengie sa Youtube na Wengie Music ay mayroon nang halos isang milyong views sa ngayon.

Ang Taglish Version naman ay inupload ng ABS-CBN Star Music na record label ni Pascual.

Nakatanggap ng papuri si Wengie sa fans dahil pinagsumikapan nitong makakanta ng Tagalog.

Sa isang Instagram post naman ay lubos ang naging pasasalamat ni Pascual at umaasa siyang napasaya ang mga Filipino sa bagong proyekto.

Read more...