UST winakasan ang pamamayagpag ng DLSU sa UAAP women’s volleyball tournament

By Rhommel Balasbas May 06, 2019 - 12:01 AM

Napigilan na ng University of Santo Tomas ang isang dekadang pamamayagpag ng De La Salle sa UAAP volleyball women’s tournament.

Sa laban Linggo ng gabi (May 5) sa UAAP Season 81, pasok na ang Tigresses sa finals matapos manalo kontra Lady Spikers sa iskor na 25-19, 25-19, 20-25, 23-25, 15-10.

Naging emosyonal si Eya Laure sa pagkapanalo ng kanyang koponan sa kabila ng iniindang injury.

Ani Laure, buhat nang pumasok sa kolehiyo ay pangako niyang ibabalik ang ‘glory days’ ng UST sa volleyball at ito nga ang nangyari.

Nasungkit ng top rookie ng UST ang 27 puntos.

Ayon kay UST coach Kungfu Reyes, isang pribilehiyo na makaharap ang defending champion na La Salle at marami silang natutunan dito kabilang ang Ateneo at FEU na pawang ‘big teams’.

Ang La Salle ay nasa finals ng UAAP volleyball women’s tournament sa loob ng 10 sunud-sunod na taon at nakapag-uwi ng pitong kampeonato.

Aminado naman si La Salle head Coach Ramile De Jesus na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa itaas ang kanyang koponan.

“It will happen to someone that when you reach the top it is possible that you will eventually fall down. You can’t be at the top all the time,” ani De Jesus.

TAGS: Eya Laure, UAAP season 81, UAAP volleyball women’s tournament, UST versus La Salle, Eya Laure, UAAP season 81, UAAP volleyball women’s tournament, UST versus La Salle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.