Patay ang dalawang political leader makaraang pagbabarilin sa Surigao del Norte, Sabado ng gabi.
Base sa ulat mula sa San Benito Police, nakasakay sa motorsiklo ang dalawang biktima na kaalyado ni San Benito Mayor Rushford Dedumo nang biglang barilin habang binabagtas ang Barangay Bongdo dakong 10:30 ng gabi.
Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga responsable sa pamamaril.
Kinilala ang isa sa mga biktima na si Nicomedis Rivas na dating tagasuporta ng kalabang partido bago naging lider ng political party ni Dedumo.
Maliban sa mga biktima, nagtamo rin ng tama ng bala ng baril si Police Sergeant Dan Dumanjog.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, ginamit sa pagpatay sa mga biktima ang isang caliber .45 na baril at isang 9.. na caliber pistol.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang caliber .38 firearm at 14 basyo ng hindi pa alam na uri ng baril.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasayon kung escort o tagasuporta ng kalabang partido ang mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.