Admin senatorial bets, nagpasalamat sa pag-endorsso ng religious group na El Shaddai

Ikinatuwa ng mga pambato ng administrasyon ang pag-endorso ng religious group na El Shaddai sa kanilang kandidatura sa senatorial elections sa May 13.

Nabatid na 10 sa 14 na kandidato ay galing sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ay sina:
– Reelectionist Sen. Cynthia Villar
– Reelectionist Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III
– Reelectionist Sen. Sonny Angara
– Reelectionist Sen. JV Ejercito
– Ilocos Norte Gov. Imee Marcos
– Dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.
– Dating Sen. Jinggoy Estrada
– Christopher “Bong” Go, dating Special Assistant to the President (SAP)
– Francis Tolentino, dating Presidential political adviser
– Ronald “Bato” Dela Rosa, dating hepe ng Bureau of Corrections

Ayon kay Go, malaki ang kaniyang pasasalamat kay El Shaddai leader Bro. Mike Velarde dahil sa pagtitiwala aa kanyang kandidatura.

Ayon kay Go, susuklian niya ng tapat na serbisyo ang pagsuporta sa kanya ng El Shaddai dahil sa paniniwalang ang totoong serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.

Read more...