3 drug suppliers sa Lucena City, Quezon timbog

Inquirer file photo

Arestado ang tatlong hinihinalang supplier ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Lucena City, Quezon Sabado ng gabi.

Base sa inilabas na report, nakilala ni Lt. Col. Norman Ranon, hepe ng Quezon police drug enforcement unit, ang mga suspek na sina Romel Salapare, 40-anyos; Josephine Ann Macasait, 38-anyos, at James Cortez, 49-anyos.

Isang concerned citizen umano ang nagbigay ng impormasyon sa mga pulis ukol sa ilegal na aktibidad ng mga suspek.

Nahuli ang mga suspek makaraang makabili ng shabu ang isang pulis sa Barangay Dalahica dakong 6:15 ng gabi.

Nasa walong pakete ng shabu na may bigat na 17.7 na gramo ang nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek.

Nagkakahalaga ang mga nasabat na shabu ng P98,235 kungg saan nasa P5,550 ang halaga ng kada gramo.

Read more...