Pagbabawal sa paggamit ng Mercury sa pagmimina sa bansa, ikinasa ng DENR
Ikinasa na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagbabawal ng paggamit ng highly toxic na Mercury sa artisanal at small scale gold mining sa bansa.
Nabatid na ang limang taong proyekto ay pinondohan Global Environment Facility (GEF) kung saan ay magsisilbing implementing agency ang DENR.
Layunin ng programa na maging legal ang pagsuporta sa ASGM at hinihikayat din ang mga minero na gumamit ng mga alternatibong pamalit sa Mercury.
Ayon kay DENR Undersecretary Analiza Rebuelta Teh, ang GEF-Global Opportunities for Long-Term Development (GEF-GOLD) project ay isang paraan upang matulungan ang mga small-scale miners na handang sumunod sa polisiya ng gobyerno at maging responsable sa pagmimina.
Ang mercury na kilala rin sa tawag na “quicksilver” ay kadalasang ginagamit sa ASGM bilang “magnet” upang makuha ang ginto na nakahalo sa lupa at iba pang bagay. Maaari itong makaapekto sa mga minero na “expose” sa metal dahil makaaapekto ito sa nervous, immune at digestive systems ng tao.
Ang mga project sites sa Pilipinas ay matatagpuan sa Maco sa Compostela Valley, T’boli sa South Cotabato at Rosario sa Agusan del Sur.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.