2 nalunod, 2 nawawala matapos mag-outing sa Northern Samar

By Len Montaño May 05, 2019 - 03:20 AM

Tinangay ng malakas na agos ng tubig ang tatlong guro at isang government employee habang nagsi-swimming sa Barangay Cabatuan sa Palapag, Northern Samar.

Dalawa ang natagpuang patay at lumulutang sa dagat malapit sa mabatong bahagi ng beach.

Kinilala ang mga nasawi na sina Artemio Mejos, 27 anyos at guro sa Naparasan Elementary School sa bayan ng Mapanas at si James Dulay, 30 anyos at empleyado ng lokal na pamahalan ng Laoang.

Nawawala naman sina Reynalda Adora, 30 anyos at guro sa Bliss Montessori San Andres, Manila at si Leonard Adarayan, 32 anyos at guro sa Pamplona Elementary School Unit 1 sa Las Piñas City.

Nabatid na magka-kaklase ang apat noong kolehiyo at nag-picnic ang mga ito sa Cabatuan beach.

Ayon kay Police Staff Sergeant Edmark Calda ng Palapag Police Station, naligo ang magka-kaibigan sa isolated na bahagi ng beach.

Sa gitna umano ng swimming ng apat ay tinamaan sila ng malaking alon at malakas na current ng tubig.

TAGS: Cabatuan beach, guro, magka-kaklase, malakas na current, malaking alon, nalulunod, nalunod, nawawala, North Cotabato, outing, picnic, swiming, Cabatuan beach, guro, magka-kaklase, malakas na current, malaking alon, nalulunod, nalunod, nawawala, North Cotabato, outing, picnic, swiming

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.