Inindorso ng Catholic charismatic group na El Shaddai ang 14 na kandidato sa pagka-senador.
Sampu sa mga ito ay nasa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago na regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte o mula sa Partido Demokratiko Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na partido naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay El Shaddai leader Bro. Mike Velarde, susuportahan nila ang sumusunod na 10 kandidato ng administrasyon:
reelectionist Sen. Cynthia Villar
reelectionist Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III
reelectionist Sen. Sonny Angara
reelectionist Sen. JV Ejercito
Ilocos Norte Gov. Imee Marcos
Dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.
Dating Sen. Jinggoy Estrada
dating special assistant to the President Christopher “Bong” Go,
dating presidential political adviser Francis Tolentino,
at dating PNP chief Bato dela Rosa
Inindorso rin ng grupo ang sumusunod:
reelectionist Sen. Nancy Binay na nasa ilalim ng Nationalist Alliance, ang Partido ng kanyang ama na si dating Vice President Jejomar Binay
reelectionist Sen. Grace Poe na tumatakbong independent
Dr. Willie Ong na isa ring independent candidate
Samantala, tanging si reelectionist Senator Bam Aquino ang kandidato ng oposisyon na Otso Diretso ang nakakuha ng suporta ng El Shaddai.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.