Malakanyang nakiramay sa pagpanaw ni dating Speaker Nograles

Nagpahayag ng pakikiramay ang Palasyo sa pamilya ni dating House Speaker Prospero Nograles na pumanaw araw ng Biyernes sa edad na 71.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ikinalulungkot ng Malakanyang ang pagyao ni Nograles at nakikiramay ito sa kanyang asawa na si Ginang Rhodora Nograles at anak na si Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“The Palace is saddened by the demise of former Speaker Prospero C. Nograles and wishes to express its deepest sympathies and condolences to his bereaved wife, Rhodora, and son, Cabinet Secretary Karlo Nograles, as well as his siblings and their families,” pahayag ni presidential spokesperson Salvador Panelo.

Dagdag ni Panelo, pride ng Mindanao ang nakatatandang Nograles at isa sa mga malaking political leaders sa rehiyon.

Nagsilbi si Nograles na House Speaker mula 2008 hanggang 2010 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Read more...