LOOK: Duterte nanonood ng pelikula sa Netflix sa bahay nito sa Davao City

By Len Montaño May 04, 2019 - 10:22 PM

Credit: Tourism Sec. Berna Puyat

Lumabas ang larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nanonood ng pelikula sa streaming site na Netflix sa bahay nito sa Davao City araw ng Sabado.

Sa gitna ng panayam ng media kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ay tumawag sa kanya ang Pangulo.

Sa gitna ang kanilang pag-uusap ay tinanong ni Puyat ang Pangulo kung nasaan ito.

Ipinarating din ng kalihim sa Pangulo na tinatanong ng mga mamahayag kung nasaan ito dahil halos isang linggo na siyang walang public engagements.

Kalaunan ay nagpadala ang Presidente ng larawan kay Puyat sa pamamagitan ng text message.

Sa litrato ay makikita ang Pangulo na nakahiga sa kama at nanonood.

Nabatid na nanonood si Duterte ng “Django Unchained” ni Quentin Tarantino sa Netflix.

Una nang sinabi ng Malakanyang na nasa Davao City ang Pangulo at abala sa paper works.

Sinabi naman ni presidential son Paolo Duterte na malakas pa sa kalabaw ang kanyang ama sa gitna ng ispekulasyon sa estado ng kalusugan ng Pangulo.

TAGS: Davao City, Django Unchained, malakas pa sa kalabaw, nanonood, Netflix, Pangulong Rodrigo Duterte, paolo duterte, paper works, pelikula, Quentin Tarantino, Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, Davao City, Django Unchained, malakas pa sa kalabaw, nanonood, Netflix, Pangulong Rodrigo Duterte, paolo duterte, paper works, pelikula, Quentin Tarantino, Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.