Mahigit 240,000 na illegal campaign materials ang tinanggal ng PNP sa buong bansa
By Berna Guillermo May 04, 2019 - 09:15 PM
Mahigit 240,000 illegal campaign materials ang tinanggal sa buong bansa ayon sa PNP.
Ang rehiyon ng Bicol ang naitalang may pinakamaraming bilang ng mga illegal materials na may 36,885 at sinundan ng Northern Mindanao na may 31,041 at ang Central Luzon na may 21,734.
Ayon sa PNP, patuloy pa ring naglalagay at nagdidikit ng mga campaign materials sa mga lugar na ipinagbawal ng COMELEC.
Ang poster dapat ay hindi dapat mas malaki sa ibinigay na sukat na 2′ x 3′ at maaari lamang ikabit sa mga common areas.
Ang common areas ay sa palibot ng mga pampublikong pamilihan at mga parke.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.