Mga pulis na may kaanak na mga kandidato at pulitiko ililipat ng puwesto

pnp
Inquirer file photo

Nasa proseso na ngayon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa pagtukoy sa kanilang mga tauhang may kamag-anak na tatakbo sa nalalapit na halalan.

Ayon kay PNP-PIO Director Chief Supt. Wilben Mayor, nais nilang matiyak na walang sinumang pulis ang gagamit ng impluwensiya para maprotektahan ang kamag-anak na tumatakbo lalo’t magkasama sila sa iisang bayan o lungsod.

Paliwanag ng opisyal, saklaw ng paglilipat sa puwesto ang mga pulis na may kaanak na kandidato hanggang 4th consanguinity.

Nagsimula ayon kay Mayor ang proseso ng kanilang pag- alam sa mga kabaro nilang may kamag- anak na may dugong pulitico partikular nung nagsimula ang pagpa-file ng Certificate of Candidacies.

 

Read more...