75% na jobseekers, nakahanap ng trabaho sa iba’t-ibang Labor Day job fairs

Sa isinagawang Labor Day job fairs nationwide ng Department of Labor and Employment, 75% ng mga job seekers ang nakahanap ng kanilang trabaho.

Ayon sa data ng Bureau of Local Employment, 35,242 ang mga pumuntang aplikante sa 31 jobsite ng DOLE.

4,314 sa kanila ang natanggap at 21,593 naman ay kailangan pang magpasa ng ibang requirements o kailangan pang sumailalim sa iba pang test.

Ang pangunahing trabaho na natanggap agad ay production workers, service crew, assemblers, production operators at cashier.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Labor Secretary Silvestre Belo III sa mga nakisama sa job fair.

Maliban sa mga natanggap, 1,543 ang nai-refer sa Technical education and Skills Development Authority para magtraining.

Napagkalooban naman ang 1,600 para sa livelihood assistance at 2,000 ang tinulungan ng Department of Trade and Industry para magtayo ng kanilang sariling negosyo.

Read more...