5 sugatan nang bumaliktad ang kanilang sinasakyan sa Makati City

By Berna Guillermo May 04, 2019 - 06:24 PM

Limang pasahero ang sugatan nang bumaliktad ang sinasakyan nilang van na nasangkot sa isang banggaan sa isang suv sa Makati kahapon.

Nangyari ang aksidente sa intersection ng EDSA Southbound at Ayala Avenue sa Brgy. Urdaneta.

Sa inisyal na report ng mga pulis, binabagtas ng Mitsubishi adventure ang kahabaan ng Southbound lane at binabaybay naman ng Escalade ang kahabaan ng Westbound lane.

Nang marating na nila ang intersection, tumama ang front right bumper ng Escalade sa hulihan ng Mitsubishi na naging dahilan ng pagbaliktad nito.

Dinala na sa Makati Medical Center ang mga sugatan at iniimbestigahan pa ang nangyaring aksidente.

TAGS: 5 sugatan, banggaan, 5 sugatan, banggaan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.