Nokor nagpaputok ng ilang short-range missile sa dagat

By Den Macaranas May 04, 2019 - 11:01 AM

AP

Nagpaputok ng ilang short-range missiles ang North Korea sa east coast ng nasabing bansa kung saan ito ang kauna-unahan nilang missile-test makaraan ang pakikipag-usap sa US noong 2017.

Sa ulat na nakarating sa Pentagon, ginawa ang nasabing test-fire umaga ng Sabado sa Wonsan City bagay na kinumpirma rin ng South Korea.

Sinabi pa sa ulat na may layong 70 hanggang 200 kilometers ang inabot ng nasabing mga missiles na bumagsak sa karagatan.

Noong 2017 ay magugunitang sinimulan ang pakikipag-usap ng NoKor sa US at South Korea na nagresulta sa katahimikan sa Korean Peninsula.

Sa nasabing pag-uusap ay hiniling ng US sa North Korea na itigil ang kanilang nuclear development program kapalit ng ilang tulong para sa nasabing bansa lalo na sa aspeto ng kalakalan at foreign relations.

Nangako si Kim Jong Un na hindi na magsaagawa ng test-fire para sa mga intercontinental ballistic missile (ICBM).

Sinabi naman ng ilang foreign observers na posibleng nagpaparamdam lang ang North Korea sa US dahil nauwi sa deadlock ang mga naunang pag-uusap.

TAGS: donald trump, Kim Jong un, north korea, south korea, US, donald trump, Kim Jong un, north korea, south korea, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.