Misa sa mga simbahan sa Sri Lanka kanselado dahil sa terror threat

By Den Macaranas May 04, 2019 - 09:58 AM

AP

Kinansela ng Catholic Church sa Sri Lanka ang ilang mga misa dahil sa panibagong banta ng terror attack.

May kaugnayan pa rin ito sa unang naganap na pagpapasabog sa ilang simbahan sa bansa noong nakalipas na Holy Week.

Sinabi ng archbishop ng Colombo na si Cardinal Malcolm Ranjith na isang realiable report ang kanilang natanggap kaya nagpasya siyang huwag muna ituloy ang ilang misa ngayong weekend.

“The information we have from a reliable foreign source is that attackers are planning to hit a very famous church and a Catholic institution,” ayon sa pahayag ng Kardinal.

Pinalawig na rin ang bakasyon ng ilang mga mag-aaral sa ilang Catholic school sa lugar dahil sa nasabing banta.

Sinabi naman ni Education Minister Akila Kariyawasam na nakipag-ugnayan na rin sila sa mga police officials ng Sri Lanka para sa dagdag na seguridad sa lahat ng paaralan na nakatakdang muling magbukas sa Lunes.

Bukod sa Catholic churches, nagdagdag na rin ng pwersa ng military at pulisya sa paligid ng iba pang mga simbahan kabilang na ang mga Buddhist churches.

Nauna dito ay sinabi sa ilang mga ulat na mayroong higit sa 140 jihadists nakapasok sa Sri Lanka at nakatakdang magsagawa ng mga malalaking pag-atake sa mga matataong lugar.

TAGS: Cardinal Malcolm Ranjith, Education Minister Akila Kariyawasam, jihadists, Sri Lanka, Cardinal Malcolm Ranjith, Education Minister Akila Kariyawasam, jihadists, Sri Lanka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.