NWRB: Tubig sa mga dam patuloy sa pagbaba, cloud-seeding kasado na

Inquirer file photo

Naghahanda na ang pamahalaan sa pagsasagawa ng cloud seeding operation sa susunod na linggo sa ibabaw ng Angat Dam sa Bulacan.

Sa isang advisory, sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na kasado na ng nasabing operasyon base sa forecast ng Pagasa sa nasabing lugar.

Nauna nang sinabi ng NWRB na kailangan ang tamang klase ng ulap para maging “seeable” sa gagawing operasyon.

Samantala, patuloy naman ang pagbaba ng water level ng mga pangunahing dam sa Luzon.

Sa kanilang ulat, sinabi ng Pagasa na nasa 177.03 meters na lamang ang antas ng tubig sa Angat Dam kaninang alas-sais ng umaga araw ng Sabado.

Kahapon, araw ng Biyernes ay naitala ito sa 177.05 meters.

Ang level naman ng tubig sa Ipo Dam ay bumaba sa 101.02 meters ngayong umaga mula a 101.98 kahapon araw ng Biyernes.

Ambuklao Dam water level ay mabilis rin sa pagbaba mula 740.19 meters kahapon araw ng Biyernes, kaninang umaga ay umabot na ito sa 740.13 meters.

Patuloy rin ang pagbaba sa antas ng tubig sa Magat, Caliraya at Binga Dam.

Read more...