Umabot na sa halos P8 bilyon ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura sa bansa batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council araw ng Biyernes (May 3).
Sa ulat ng NDRRMC, ang kabuuang pinsala sa agrikultura ay P7.962 bilyon at apektado ang 14 sa 17 rehiyon ng bansa.
Ramdam na rin ng 78,691 pamilya sa Davao Region at Soccksargen ang epekto ng tagtuyot.
Ang kabuuang bilang naman ng apektadong magsasaka ay 247,610 sa lahat ng rehiyon ng bansa maliban sa Region IV at National Capital Region (NCR).
Sinabi naman ng NDRRMC na upang tugunan ang problema sa kakulangan sa tubig ay nagsagawa na ng kabuuang 10 cloud seeding operations simula pa noong March 26.
Samantala, sinabi naman ni NDRRMC Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad na sa mga susunod na buwan ay inaasahang magiging mahina na ang El Niño.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.