Former Lady Maroons players palalakasin ang Foton sa PSL

Inaasahang mas palalakasin nina Justine Dorog at Marian Buitre ang Foton sa Philippine Super Liga All-Filipino Conference.

Ang dalawa ay dating mga miyembro ng UP Lady Maroons at nasa likod ng tagumpay ng koponan sa collegiate conferences ng PSL at Premier Volleyball League.

Sa Twitter, ibinahagi ni Dorog ang paglahok sa Foton habang inanunsyo ni Buitre ang kanyang kanyang desisyon sa pamamagitan ng isang Instagram story.

Sinabi ni Dorog na ang panibagong team ay makatutulong sa kanyang pagkatuto at paglago bilang isang manlalaro.

Ang Foton ay binubuo sa ngayon ng magkapatid na sina Dindin Santiago-Manabat at Jaja Santiago, Maika Ortiz at Mina Aganon.

Read more...