Lalaki patay sa engkwentro sa Caloocan

By Rhommel Balasbas May 04, 2019 - 03:41 AM

Nasawi ang isang hinihinalang holdaper matapos makaengkwentro ang mga pulis sa Caloocan.

Ayon kay Caloocan Special Operations Unit head Pol. Capt. Jervis Soriano, nakatanggap sila ng sumbong mula sa isang babae na hinoldap sa bahagi ng C3 Road sa Brgy. 27.

Nakuha mula sa kanya ang wallet na may lamang P1,200 na pambili sana ng gamot at cellphone.

Agad na nagsagawa ng inspeksyon ang mga pulis sa lugar ngunit bigla na lamang umanong may lalaking nagpaputok ng baril.

Gumanti ng putok ang mga pulis dahilan para mauwi sa engkwentro at agad itong ikamatay ng lalaki.

Itinuro ng biktima ang lalaki na nangholdap sa kanya.

Narekober ang wallet ng biktima ngunit wala na ang cellphone.

Sa ngayon ay wala pang pagkakilanlan ang holdaper.

TAGS: caloocan, cellphone, enkwentro, gamot, holdap, lalaki, patay, Pulis, caloocan, cellphone, enkwentro, gamot, holdap, lalaki, patay, Pulis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.