Bar passers hinimok ng Malacañang na magtrabaho sa gobyerno

By Rhommel Balasbas May 04, 2019 - 03:02 AM

Nanawagan ang Palasyo ng Malacañang sa mga bagong abugado ng bansa na ikonsidera ang pagtatrabaho sa gobyerno.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na umaasa siyang tutulong ang mga bagong abugado sa pagbuo sa isang progresibo at mapayapang Pilipinas na makapagbibigay ng magandang buhay para sa lahat.

“We hope that many of our country’s new lawyers consider pursuing a career in the government and help build a progressive and peaceful nation that will provide a comfortable life for all,” ani Panelo.

Welcome anya sa administrasyong Duterte ang ideyalismo, kagalingang pang-akademya at integridad ng bar passers.

“Their youth, idealism, academic competence and personal integrity are welcome under the present Administration, and should be in succeeding administrations as well,” dagdag ng kalihim.

Nais ni Panelo na tumatak sa isipan ng mga bagong abugado na ang integridad ang pinakamahalagang bagay na dapat taglayin nila sa legal profession.

Inilabas na ng Korte Suprema ang resulta ng 2018 Bar examinations araw ng Biyernes, May 3 kung saan 1,800 lamang ang nakapasa sa 8,155 kabuuang bilang ng nakatapos sa exam.

TAGS: 2018 Bar examinations, bar passers, magtrabaho sa gobyerno, Malakanyang, Palasyo, 2018 Bar examinations, bar passers, magtrabaho sa gobyerno, Malakanyang, Palasyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.