P2.7M halaga ng shabu nakumpiska sa construction woker sa Cebu
Arestado ang isang dating construction worker sa anti-illegal operation sa Sitio Riverside, Barangay Hipodromo sa Cebu City.
Ayon kay Police Lt. Col. Glenn Gonzales, nakuha mula kay Jhon Ariel Delalamon, 25 anyos, ang 400 gramo ng shabu sa buy bust operation.
Sa pagtaya ng Dangerous Drugs Board, nasa P2.7 million ang halaga ng nakumpiskang droga.
Nakatanggap ng impormasyon kaugnay ng iligal na aktibidad ng suspek na una na nilang naaresto.
Nakakulong na ngayon si Delalamon sa Police Regional Office-7 detention cell habang nakatakda itong sampahan ng kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.