Trump at Putin nag-usap ukol sa posibleng bagong nuclear deal sa China

By Len Montaño May 04, 2019 - 02:19 AM

Nag-usap sa pamamagitan ng telepono sina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin kaugnay ng posibilidad ng bagong nuclear agreement.

Ayon sa White House, nasa isang oras na nag-usap sina Trump at Putin.

Sinabi ni Press Secretary Sarah Sanders na ang napag-usapan ay tungkol sa posibleng bagong multilateral nuclear accord sa pagitan ng US, Russia at China.

Napag-usapan din nina Trump at Putin ang isyu ukol sa North Korea.

Hinimok ni Trump si Putin na lalong pwersahin ang Pyongyang sa denuclarization.

Isa pang topic ng dalawang lider ang ukol sa political crisis sa Venezuela.

Naging topic din nina Trump at Putin ang Mueller report na nag-abswelto sa US President at mga opisyal ng Russia sa umanoy sabwatan noong 2016 campaign.

TAGS: China, denuclarization, Mueller report, nuclear agreement, Press Secretary Sarah Sanders, Pyongyang, Russian President Vladimir Putin, US President Donald Trump, China, denuclarization, Mueller report, nuclear agreement, Press Secretary Sarah Sanders, Pyongyang, Russian President Vladimir Putin, US President Donald Trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.