Paolo Duterte tiniyak na malusog ang kanyang ama

By Rhommel Balasbas May 04, 2019 - 01:48 AM

Tiniyak ni Presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa publiko na malusog ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Polong na mas malakas pa sa kalabaw ang kanyang ama.

Ang pahayag ng nakababatang Duterte ay dahil sa mga naglulutangang ispekulasyon ukol sa kalagayan ng pangulo dahil halos isang linggo na itong hindi nakikita ng publiko.

“Kusgan pa sa kabaw akong amahan. Lagsik pa kaayo (My father is stronger than a carabao. He is healthy),” post ni Paolo sa Facebook.

Tila pinatamaan naman ni Paolo ang mga kritiko ng pangulo matapos sabihing ang mga nagtatanong tungkol sa kanyang ama ay nais lamang malaman kung may sakit ba ito o buhay pa.

“Don’t you worry. You will convulse to death ahead of Digong. Just go ahead, we’re fine with it,” ani Paolo.

Nauna nang sinabi ng Palasyo ng Malacañang na nasa Davao City ang presidente at abala sa paperworks.

Huling nakita ang pangulo ng publiko noong Linggo, Abril 28 sa pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Davao City.

TAGS: malakas pa sa kalabaw, malusog, palarong pambansa, paolo duterte, presidential son, Rodrigo Duterte, malakas pa sa kalabaw, malusog, palarong pambansa, paolo duterte, presidential son, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.