SC naglabas ng ‘writ of kalikasan’ para sa Scarborough, Ayungin at Panganiban
Naglabas ang Korte Suprema ng writ of kalikasan para sa proteksyon at pagbabalik ng marine environment sa Scarborough Shoal, Ayungin Shoal at Panganiban Reef.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, sa en banc session araw ng Biyernes, pinagbigyan ng mga mahistrado ang hiling ng Palawan fisherfolk group para sa paglalabas ng “writ for the protection and restoration of the marine environment.”
Layon ng hakbang na maiwasan ang paglabag sa environmental laws sa exclusive economic zone (EEZ) ng naturang tatlong teritoryo.
Ang writ of kalikasan ay pwedeng hilingin ng mga indibidwal o grupo na nalabag ang karapatan sa “balanced and healthful ecology” kabilang ang pagkasira ng kapaligiran.
Ang desisyon ay kasunod ng petisyon ng Kalayaan Palawan Farmers and Fisherfolk Association na utusan ng Korte Suprema ang administrasyong Duterte na permanenteng itigil ang umanoy pagpabaya ng gobyerno sa obligasyon nito na ipatupad ang mga environmental laws sa naturang tatlong teritoryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.