692 pamilya nananatili sa evacuation centers matapos ang lindol sa Central Luzon
Aabot pa rin sa 692 pamilya o 2,962 indibidwal ang nananatili sa tatlong evacuation centers na itinayo ng mga lokal na pamahalaan sa Central Luzon matapos tumama ang 6.1 magnitude na lindol noong April 22.
Habang nasa 951 pamilya o 4,756 katao ang kasalukuyang nakikituloy sa kanilang mga kamag-anak o pamilya.
Sa huling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 3,630 pamilya o 18,086 katao sa 41 barangays ang naapektuhan sa Central Luzon.
Aabot naman sa 4,375 ang nasira ng lindol kung saan 1,046 dito ay totally damaged at 3,329 ay partially damaged.
Nakapagbigay na ang DSWD ng mahigit P2.4 million na halaga ng tulong sa mga biktima ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.