Diokno: GDP growth posibleng bahagyang mas mataas sa Q1 ng 2019

By Len Montaño May 03, 2019 - 10:29 PM

Inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokono na posibleng bahagyang lumago ang ekonomiya ng bansa sa 6 percent sa January-March period ngayong taon.

Ayon kay Diokno, ito ay dahil sa gastos ngayong panahon ng eleksyon, gayundin ang gastos sa konstruksyon, investment at manufacturing.

Paliwanag ng BSP Governor, ang inflation sa April na 3 percent ay alinsunod sa forecast ng ahensya na 2.7 percent hanggang 3.5 percent.

Sa pagtaya na lalago ng 6 percent ang gross domestic product (GDP), sinabi ni Diokno na posibleng bahagya itong mas mataas.

Sa nakalipas na kwarter ay lumago ang ekonomiya ng bansa sa 6.3 percent habang 6.2 percent naman sa buong taon ng 2018.

Nakatakdang ilabas ang GDP data sa Huwebes May 9.

TAGS: 6 percent, bahagyang lumago, benjamin diokno, BSP, gastos sa eleksyon, GPD growth, mas mataas, Quarter 1 2019, 6 percent, bahagyang lumago, benjamin diokno, BSP, gastos sa eleksyon, GPD growth, mas mataas, Quarter 1 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.