Phoenix magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo bukas, May 4

May aasahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga motorista sa susunod na linggo.

Pero ang kumpanyang Phoenix Petroleum ay buena manong magpapatupad ng rollback sa kanilang produkto epektibo bukas araw ng Sabado, May 4.

Sa anunsyo ng Phoenix ay mayroong rollback na P1.00 sa kada litro ng kanilang gasolina at P0.80 naman sa kada litro ng diesel.

Epektibo ang rollback, alas 12:00 ng tanghali bukas.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng kanilang rollback sa presyo ang iba pang kumpanya ng langis.

Read more...