76 percent ng mga rehistradong botante may kamalayan sa party-list system

Nasa 76 porsyento ng mga rehistradong botante ang mayroong kamalayan sa party-list system para sa nalalapit na 2019 midterm elections, batay sa bagong survey ng Pulse Asia.

Sa resulta, lumabas na 76 porsyento ang nakarinig, nakabasa, nakapanood patungkol sa party-list system.

Naitala ang pinakamataas na awareness level sa Metro Manila sa 82 porsyento at 88 porsyento naman sa buong Luzon.

57 porsyento ang naitala sa Visayas habang 75 porsyento naman sa Mindanao.

Isinagawa ang survey sa 1,800 na botante na may edad 18 pataas mula April 10 hanggang 14, 2019 na may +/- 2.3% error margin.

Read more...