Pangulong Duterte nasa Davao at busy sa paper works – Panelo

Nasa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte.

Tugon ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos na limang magkakasunod na araw na kawalan ng public appearance ng pangulo.

Ayon kay Panelo, nasa Davao ang pangulo at busy sa tambak na paper works.

Marami aniyang dokumento na binabasa ang pangulo na kailangan ng kaniyang lagda.

Si Pangulong Duterte ay limang araw nang hindi nakikita at huling nagpakita ito sa publiko noong Linggo (Apr. 28) kung saan pormal niyang binuksan ang Palarong Pambansa 2019 sa Davao City.

Simula noon ay wala nang naging public appearance ang pangulo at wala ding schedule na inilalabas ang Malakanyang.

Read more...