Exemption permit sa gun ban puwede nang kunin sa Comelec
Maaari nang makipag-ugnayan sa Commission on Elections (Comelec) ang mga gustong kumuha ng gun ban exemption kaugnay sa nalalapit na eleksyon sa 2016.
Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na puwedeng bigyan ng exemption ang pangulo, pangalawang pangulo, mga senador at mga kongresista basta’t hindi sila kandidato sa susunod na halalan.
Idadaan naman sa assessment ng Committee on the ban of firearms and security personnel (CBSFP) ng Comelec ang mga civilian gun owners na may banta sa kanilang mga buhay.
Nilinaw din ng poll body na kailangan din sumunod sa gun ban ang mga alagad ng batas.
Ang tanging papayagang magdala ng mga baril simula sa January 10 hanggang sa June 8, 2016 ay ang mga unipormadong tauhan ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation at iba pang mga law enforecement agencies.
Kanselado rin sa nasabing panahon ang mga Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) na inisyu ng PNP sa mga lehitimong gun owners.
Layunin ng gun ban na makontrol ang pagdadala ng mga baril lalo na sa mga political rallies at sa mga lugar na paggaganapan ng halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.