Bb. Pilipinas candidate kabilang sa pumasa sa 2018 Bar exam

IG Photo
Kabilang ang isang kandidata sa Binibining Pilipinas sa nakapasa sa 2018 bar examinations.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Bea Patricia Magtanong ang larawan kasama ang kaniyang ama na mayroong caption na “Atty. Magtanong and Atty. Magtanong! Para sa aking pamilya, para sa Diyos at para sa bayan!”

Si Magtanong ay law graduate mula sa University of the Philippines (UP).

Sa profile ni Magtanong sa Bb. Pilipinas website, idol ng 24 anyos na kandidata ang kaniyang ama na abogado.

Nais ni Patricia na tutukan ang karapatan ng mga bilanggo, kabilang na ang karapatan nilang mabigyan ng makataong pagtrato.

Read more...