Bb. Pilipinas candidate kabilang sa pumasa sa 2018 Bar exam

By Dona Dominguez-Cargullo May 03, 2019 - 04:09 PM

IG Photo
Kabilang ang isang kandidata sa Binibining Pilipinas sa nakapasa sa 2018 bar examinations.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Bea Patricia Magtanong ang larawan kasama ang kaniyang ama na mayroong caption na “Atty. Magtanong and Atty. Magtanong! Para sa aking pamilya, para sa Diyos at para sa bayan!”

Si Magtanong ay law graduate mula sa University of the Philippines (UP).

Sa profile ni Magtanong sa Bb. Pilipinas website, idol ng 24 anyos na kandidata ang kaniyang ama na abogado.

Nais ni Patricia na tutukan ang karapatan ng mga bilanggo, kabilang na ang karapatan nilang mabigyan ng makataong pagtrato.

TAGS: Bar Exams, bea patricia magtanong, Binibining Pilipinas, Bar Exams, bea patricia magtanong, Binibining Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.