Kampo ni VP Leni Robredo itinangging empleyado ng OVP si Rodel Jayme

May 03, 2019 - 03:44 PM

FB Photo: CTTO

Pumalag ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa mga ipinakakalat na larawan sa social media na kasama ng bise president si Rodel Jayme – ang dinakip na umano ay administrator ng website kung saan inilabas ang video na “Ang Totoong Narcolist”.

Sa pahayag ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, malinaw na paninira na naman ang mga kumakalat na balita at ipipilit na namang ikabit ang bise presidente sa likod ng video.

Ayon kay Gutierrez, walang “Rodel Jayme” na nagtatrabaho sa Office of the Vice President o para kay Vice President Robredo.

Kung saka man aniyang totoo na si Jayme ang nasa larawan kasama ang Bise Presidente, marahil siya ay isa lamang sa libu-libong naging supporter ni Robredo noong kampanya.

Nakalulungkot ayon kay Gutierrez na ang isang tagasuporta ni Vice President Robredo ay gagamitin sa ganitong klaseng paninira.

Ilang larawan ang kumakalat kung saan makikitang kasama ni Robredo si Jayme kabilang ang isang larawan na mistulang nasa Office of the Vice President dahil kita ang Vice Presidential seal.

TAGS: “Ang Totoong Narcolist”, Alyas Bikoy, Leni Robredo, Radyo Inquirer, rodel jayme, “Ang Totoong Narcolist”, Alyas Bikoy, Leni Robredo, Radyo Inquirer, rodel jayme

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.