10 patay sa mga insidenteng may kinalaman sa eleksyon – PNP
Nasawi ang 10 katao sa 22 insidenteng may kaugnayan sa 2019 midterm elections, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa naturang bilang, sinabi ni PNP spokesman Col. Bernard Banac, 14 katao rito ay nakaligtas mula January 13 hanggang April 30.
Ani Banac, ito ay naitala sa iba’t ibang parte ng bansa.
Wala aniyang rehiyon ang nakapagtala ng maraming bilang ng marahas na insidente sa nalalapit na eleksyon.
Ang 10 nasawi ay mga kandidato o tagasuporta ng mga kandidato.
Tiniyak naman ng PNP na nakataas pa rin ang full alert status at ipakakalat ang nasa 160 thousand na pulis para sa seguridad ng publiko.
Noong buwan ng Marso, pumalo sa 941 na lugar ang ikinonsidera ng PNP bilang election hotspot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.