Miyembro ng Abu Sayyaf naaresto sa Zamboanga
Arestado sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf group sa Zamboanga City.
Ayon kay Police Brig. Gen. Emmanuel Licup, direktor ng Zamboanga Peninsula Police Office ang naaresto ay kinilalang si Uring Aliyarin Akil.
Si Akil ay number 4 most wanted person sa Isabela City sa Basilan.
Kilala si Akil bilang hired killer ng Anjawari group at tauhan ni Abu Sayyaf leader Furuji Indama.
Ayon kay Licup nadakip si Akil sa Barangay Boalan sa Zamboanga City sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Basilan court sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.